Tuesday, June 3, 2014

Itinanggi muna saka ginamit sa show?

“THANK you @meryllovespaul and for all, I do not care about the hate tweets and all the..”poor baby bakit ganito, ganyan.” I just want to make it clear to you that from DAY ONE, we took care of him, loved him, protected him and gave him everything, until now. WE NEVER DENIED HIM. We just wanted to keep our privacy. Oh well, I love my family and I’m extremely happy and blessed that we were able to finally share our life with everyone. Spread the love,” litanya ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account.


Oh, sige na nga, hindi nila itinago. Ngayon ay inamin na nga ni Richard Gutierrez ang tungkol sa anak nila ni Sarah, eh, kumusta naman ang timing nang pag-amin?

Kung hindi pa nagkaroon ng show ang pamilya nila hindi pa kakanta ng nasa tono si Richard. Halimbawang wala silang show, kawawa naman ang bata dahil hindi siya ilalabas ng kanyang mga magulang sa publiko. Pinagtitsismisan na siya’t lahat-lahat ay deny pa rin nang deny ang kanyang mga magulang.


Sana nga magbigay ng magandang suwerte sa career nina Richard at Sarah at sa show ng mga Gutierrez ang paggamit nila sa bata. ‘Yun na!


***


ARNOLD NAKIPAG-CHIKAHAN SA MGA “EXTRAORDINARY BEAUTY QUEENS”


EXTRAORDINARY Wednesday ang hatid ni Arnold Clavio kasama ang ilang extraordinary beauty queens sa pangunguna ni Melanie Marquez sa Tonight with Arnold Clavio.


Isang ‘icon’ na maituturing dahil hindi lamang maganda, taglay din ni Melanie Marquez ang isang personalidad na talaga namang kakaiba at nakatutuwa. At sa pagharap niya kay Arnold, magiliw na ikukuwento ni Melanie ang kanyang buhay bilang beauty queen, simpleng maybahay, at bilang manunulat.


Malalaman na rin ang mga kuwento sa likod ng kanyang ‘di-malilimutang ‘Melanisms’ o kung minsa’y nagkakamaling pagsasalita ng Ingles.


At ngayong nauuso na naman ang mga beauty pageant para sa mga gay at transgender. Makakasama ni Melanie ang mga espesyal na beauty queen na umiidolo sa kanya —sina Ms. International Queen titleholder Kevin Balot at Eat Bulaga Super Sireyna Queen of Queens na si Francine Garcia.


Abangan ang mga tanong na ibabato ni Igan sa tatlong beauty and brains na ito!


Tiyak na patalbugan sa confidence and wit ang masasaksihan ngayong Miyerkules, June 4, sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15pm sa GMA News TV.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Itinanggi muna saka ginamit sa show? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Itinanggi muna saka ginamit sa show?


No comments:

Post a Comment