Thursday, June 12, 2014

MGA SATANAS AT BARABAS

burdado-jun-briones251 WALA tayong kinakampihan o pinapaboran sa mga politiko na nasasangkot sa iskam sa Priority Development Assistance Fund.


Pero sumasang-ayon tayo sa ikinasasama ng loob ni Senador Jinggoy Estrada na tila hindi kumikilos ang administrasyong Aquino upang habulin ang maraming senador at kongresman na sangkot sa bilyon-bilyon pisong PDAF scam.


King-inaaaa! Sino naman ang hindi sasama ang loob kung wala ni sinoman sa iba pang 20 senador, kabilang na ang 13 nakaupo na kinabibilangan nina Jinggoy, Juan Ponce Enrile at Bong Revilla, ang inaaksyonan ng Senado mismo at ng Malakanyang?


Sino ang hindi sasama ng loob kung hindi umaaksyon ang Malakanyang at Kamara sa 300 kongresman na sangkot sa mga iskam sa PDAF?


At sino ang hindi sasama ang loob kung hindi umaaksyon ang Kongreso at Malakanyang sa pagkakasangkot ng mga taga-Malakanyang sa PDAF scam, gaya nina Budget Secretary Florencio Abad, Agriculture Sec. Proceso Alcala at TESDA Director Jonjon Villanujeva?


Ang mga rekord sa pagkakasangkot ng mga senador at kongresman ay galing mismo sa Commission on Audit at sinusuportahan ang bahagi nito ng mga rekord nina Benhur Luy at Janet Lim-Napoles.


Ang totoo niyan, sa paglilibot natin sa mga barangay, ramdam na ramdam ng taumbayan kung gaano katuso ang mga nasa poder ngayon.


Sa kagustuhan ng mga nasa poder na manatili sila sa puwesto sa pamamagitan ng pagdurog sa kanilang mga kaaway o hindi kaalyado, lumilitaw ang pagiging ganid sa puwesto ng mga ito.


Pero hindi lang ganid, parekoy, kundi mga demonyo pa.


Hindi ba kademonyohan ang pagtuturo sa iba na mga kampon ni Barabas samantalang ang nagtuturo ay mga kampon pala ni Satanas? Hak, hak, hak!


Satanas ang mga may kontrol at nagpapamigay ng mga pondong bayan sa PDAF na kinokorap at dinarambong at Barabas lang ang mga umaamot sa nakaw na pondo.


Pero ang pinakamasakit sa lahat, parekoy, sa pinaggagagawa ng mga Satanas at Barabas na ito, ang taumbayan ang naghihirap at nagugutom.


Walang pondo o kakatiting ang pondo para sa mga ordinaryong mamamayang kinakalamidad, maysakit, mag-aaral, obrero, mangingisda, magsasaka, vendor, tsuper ng mga traysikel at dyipni at marami pang iba.


Dahil ipinagbubulsa at pinaglulustay ng mga Satanas at Barabas na ito ang mga pondong dapat para sa kanila.


King-inang buhay talaga ang buhay-Pinoy kay PNoy.


Sino ang hindi sasama ng loob sa kalagayang ito?


The post MGA SATANAS AT BARABAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA SATANAS AT BARABAS


No comments:

Post a Comment