SAAN po magpapa-file ng aplikasyon?
Sa tanggapan ng National Water Resources Board (NWRB) o sa kinatawang ahensya na nasa mga lalawigang, kung saan may lugar ng pagkalat ng gugulin ng tubig o kung saang may proyektong patubig.
Sino-sino ang mga kinatawan ng NWRB?
Ang mga kinatawan ng NWRB ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH), National Irrigation Administration (NIA), National Power Corporation (NPC) at mga Water District.
Ano ang mga layunin para sa pagbigay ng water permit?
Pwedeng bigyan ng water permit para sa mga sumusunod na gagamit na patubig:
Local (Domestic), Irigasyon, Kuryente (Power), Pangingisida (Fisheries), Industriya, Paghahayupan (Livestock), Panlibang (Recreational) at Komersyal.
Anong dapat gawin kung may pagtutol sa pagkuha ng water permit application?
Ang Water Rights Division ng NWRB ay magsasagawa ng paglilitis para malaman ang mga merito ng pagtutol o hindi ang aplikasyon ang mabigyan ng sapat na batayan.
Paano kung walang batayan o pagaantala ng kahit anong gagawin matapos ang paglilitis?
a. Ipagpapatuloy ng NWRB ang proseso ng pagkuha ng Water Permit. Isang Technical Appraisal ang isasagawa ng NWRB o ng kinatawan nito sa lugar kung saan inendorso ang aplikasyon o para malaman ang mga sumusunod:
b. Humigit–kumulang na paglabas (discharge) ng pinagkukunan ng tubig;
c. Dami ng tubig na ipamahagi para sa kapaki-pakinabang na paggamit;
d. Ang mga kailanganing dokumento ng aplikante ay pagpapasyan kung maayos ang paggamit base sa Board’s standards;
e. Kung may epekto o pasalungat sa mga naunang permit at kung may pang publiko o pang sarili interes;
f. Kung may epekto sa kapaligiran;
g. Tamang paggamit ng resorces, tulad ng lupain para sa pag-unlad ng ekonomiya;
h. Pagpapanatili o kaya ang pagpapanukala ng pagkakaroon ng mga Irrigation Association para sa pangkaraniwang pasilidad sa mga irigasyon;
i. Ibang pang magkakaugnay na salik.
The post MADALAS TINATANONG UKOL SA PAG-APPLY NG NWRB WATER PERMIT appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment