Thursday, June 12, 2014

LIMANG BARKO NG HANJIN IDINELIBER NA, MAY TAX BA ‘YAN?

johnny_magalona1033 BALIKAN natin itong kompanya ng Hanjin Shipyard na pag-aari ng mga dayuhang Koreano na nasa Sitio Agusuhin, Brgy. Cawag, Subic, Zambales na kung saan ito ang mga nanloloko at nandaraya sa ating bansa.


Alam n’yo ba na nitong mga nakaraang araw, ayon sa aking “impormante” ay limang container ship ang naideliber ng mga ito? Hindi ko lang alam kung nagbabayad sila ng tax sa bansa?


Kamakailan ay idineliber nila ang mga barkong Wide Alpha, Wide Brabo, Wide Charlie, Wide Echo at Wide Delta.


Ang tanong natin?


May tax bang dapat na bayaran ang mga dayuhang Koreano sa multi-milyong halaga ng barkong na naideliber?


Alam kaya nina BIR Comm. Kim Henares at RDO-Zambales ang mga luxurious ship na ginagawa rito sa bansa?


Grabe ang buwis na kinakaltas ng management ng Hanjin Shipyard sa mga manggagawa nito pero sa buwis na dapat na bayaran ng mga ito sa gobyerno ay maayos ba nilang naibibigay?


Hoy, mga balasubas na tagapamahala ng Hanjin Shipyard na sina Mr. Cho Hee Dong at Moon Jeong Sik, kayo ang dapat na imbestigahan ng BIR dahil kayo ang mga nagsasamantala sa aming bansa.


Mahiya naman kayo, huwag n’yo namang lokohin ang gobyerno sa pagbabayad ng tax.


TONG-COLLECTION SA SUGALAN, PATULOY


PATULOY ang operasyon at paglalatag ng iligal na pasugalan gaya ng mga video-karera ni Vic ng Parañaque at lotteng naman ni Willie Calagayan at Ticson sa Parañaque pa rin. Hindi ko lang alam kung bakit patuloy naman na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang hepe na si Supt. Ariel Andrade.


Magkano kaya ang ibinibigay na lingguhang timbre ng mga iligalistang ito sa tong-collector ni colonel na si SPO3 Charlie B. Ano ba ‘yan, NCRPO chief Gen. Mel Valmoria?


***

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post LIMANG BARKO NG HANJIN IDINELIBER NA, MAY TAX BA ‘YAN? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LIMANG BARKO NG HANJIN IDINELIBER NA, MAY TAX BA ‘YAN?


No comments:

Post a Comment