Wednesday, June 11, 2014

MEDIA KILLINGS SA PINAS

CHOKEPOINT-bong-padua3 NOONG nakaraang buwan, nabulaga ang National Press Club sa pagkakapaslang kay Richard Najib, broadcaster ng DxNN radio sa Tawi-Tawi.


Kahapon muli na namang nabulaga ang NPC sa pagbaril at pagpaslang kay Nilo Baculo, Jr. ng Radio Station DwIM sa Calapan City.


Pero sa kabila ng sunod-sunod na pagpatay sa mga miyembro ng media, ang Aquino administration ay tahimik lamang na nagmamasid.


Sa kasaysayan, sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pinakamaraming pinatay na mamamahayag.


Hindi nagsisinungaling ang bilang dahil sa ulat, si Baculo ang ika-29 na mamamahayag na napatay sa panahon ni PNoy.


Kumbaga, record-breaking at naglilok ng kasaysayan ang PNoy administration kung pag-uusapan ang media killing sa Pinas.


Bakit nga ba kaliwa’t kanan ang pagpatay sa media personnel?


Pakiwari natin, hindi nagiging totoo ang gobyerno sa kanyang pahayag na aksyon kuno para mahinto ang media killings.


Dahil kung sila’y totoo, ‘di sana nabubulaga ang NPC sa sunod-sunod na pagpaslang ng mga miyembro ng fourth estate.


Huwag na nating pag-usapan na ang pinapatay ay mga mamahayag, ang mahalagang isaisip ng gobyerno ay buhay ang nawawala.


Sa rami ng napapatay nang mamamahayag, ito’y patunay na inutil ang Aquino administration sa pagtugon sa media killings.


Kung matigas lang ang paninindigan ng pamahalaang PNoy, tiyak na mahuhuli ang mga killer sa nasabing krimen.


At kapag nagpupursige ng administrasyong Aquino para madakip ang mga salarin, tiyak na walang maglalakas loob na pumatay ng mamamahayag.


Kaya nga malakas ang loob ng mga killer ay dahil nakikita nilang walang pakialam ang gobyerno sa kanilang ginagawang krimen.


Sa tuwing may pinapatay na mamamahayag, ‘di patatalo ang Palasyo sa pag-iisyu ng statement na nag-uutos sa PNP na tugisin ang mga salarin.


Diyan lang sila magaling.


Pero hanggang mouth service lang sila dahil bibihira ang nahuli sa mga pumatay sa 29 mamamahayag mula nang umupong Pangulo si Noynoy noong 2010.


The post MEDIA KILLINGS SA PINAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MEDIA KILLINGS SA PINAS


No comments:

Post a Comment