Wednesday, June 11, 2014

SA KORTE NA MAGPALIWANAG

sa-kantot-sulok2 NAKASUSUKA ang ginawang drama ni Sen. Bong Revilla nang magtalumpati sa Senado ukol sa pagkakasangkot niya sa pork barrel scam. Ibig ipunto ni Revilla na hindi siya nagnakaw sa pondo ng bayan at siya’y idinidiin lamang ng MalacaƱang dahil sa siya’y kalaban sa pulitika at posibleng maging malakas na kandidato sa 2016 presidential elections.


Huling-huli ang pagkakadawit ni Revilla sa pandarambong sa pork barrel dahil mayroon siyang mga lagda sa ipinasok na multong mga proyekto. Kaya naman sa tinaguriang “Pork 3”, siya ang may pinakamaraming patong-patong na kaso sa Sandiganbayan.


Nakasusuka ang kanyang drama ‘pagkat idinaan niya sa galing ng pag-arte para ang taumbayan ay paniwalaing inosente siya. Pero hindi naniniwala ang bayan sa mga pakyut at pagkanta niya.


Ang tama lang sa ginawa niyang talumpati ay nang tawagin niya ang kapwa akusado na si Sen. Jinggoy Estrada na “kosa”.


Wasto lang namang magsama muna sila sa selda, kasama ng marami pang mandarambong habang ang kanilang pagkakasangkot sa karima-rimarim na pagnanakaw sa salaping bayan ay dinidinig ng hukuman.


Sabi nga, sa korte na sila magpaliwanag.


***


SABI ni Sen. Jinggoy, hindi na siya kailangang arestuhin dahil nakahanda siyang sumuko sa paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya. Nakahanda na rin daw makulong si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at siya na rin mismo ang magtatanggol sa sarili. Sina Jinggoy at JPE ay dapat gayahin ng maraming nasasabit sa pork barrel scam para na rin sa ikabibilis ng resolusyon sa kaso.


Ang mga “guilty” lang naman ang nais pang patagalin ang usapin para makaligtas sa pagkakulong. At ang mga inosente ay nais malinis ang kanyang pangalan sa lalong madaling panahon.


Ang nakabuburat ay ang palusot ng ilan, gaya ni Revilla na tigilan na raw ang pagpuntirya sa kanya, dahil naaapektuhan na umano ang kanyang pamilya.


Nasisira ang pamilya? Bakit hindi muna inisip na masisira ang kanyang pamilya bago pinagtaksilan ang taong-bayan sa pandarambong ng pondo ni Juan at Juana dela Cruz?


Sa ganang atin, makabubuting litisin na agad ang mga may alam sa eskandalong ito upang ito ang magsilbing simula ng reporma tungo sa malinis, tapat at may pananagutang paglilingkod ng mga halal at iniupong opisyal sa pamahalaan.


The post SA KORTE NA MAGPALIWANAG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SA KORTE NA MAGPALIWANAG


No comments:

Post a Comment