Wednesday, June 11, 2014

CONSUELO DE BOBO SA PORK

burdado-jun-briones25 NAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng Malakanyang sa mga isinasabit sa pork barrel scam.


Ito ang sabi ng Malakanyang at kumikilos umano ang DoJ para rito. Waaaat?


King ina! Sino ang maniniwala sa Malakanyang sa pinagsasabi nito?


Kung totoo ang sinasabi ng Malakanyang, magsimula ito sa tatlong miyembro ng gabinete na pawang sikat sa pagkakadawit sa P10 bilyong Janet Lim-Napoles scam.


Umaalingasaw na ang ngalan nina Budget Secretary Florencio Abad, Agriculture Sec. Proceso Alcala at TESDA Director Jonjon Villanueva.


Pero ano ang ginagawa ng Malakanyang?


Pinoprotektahan ang mga ito at idinideklarang inosente ng mga hijo de puta sa kataas-taasan.


Sina Abad at Villanueva ay naging kongresman at tiyak na nagkaroon ng pork barrel ang mga ito.


Ito namang si Alcala ay dinaanan ng mga non-government organization ni Napoles.


Pero pare-pareho ang tatlo na sa panahong namamayagpag si Napoles, nakinabang ang mga ito sa P10 pork barrel.


Si Abad pa nga ang inginunguso ni Napoles na nagturo sa kanya kung paano magmaniobra sa pork barrel para masiguro na ma-release ng DBM ang mga pondo.


Ngayon, sinasabi ng Malakanyang na nagpapatuloy ang imbestigasyon.


May 12 senador at may 180 kongresman na sangkot sa scam.


May kabuuan namang 80 ang NGO na sangkot at 10 rito ang kay Napoles.


Lahat ng ito ay inilabas ng Commission on Audit. Patuloy naman umano ang pagkilos ng DoJ at COA.


Pero nasaan ang palatandaan ng mga ito?


‘Yung tatlong senador pa rin na kinasuhan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang nababalitaan lang natin.


Heto ang isang malinaw na katarantaduhang ginagawa ng pamahalalang Aquino: napakabilis nitong kumilos at nakapagkakalkal ng todo ng mga ebidensya, kung hindi nila kaalyado ang mga sangkot…at guilty pa agad ang mga hindi nila kaalyado.


Pero kung kaalyado nila ang nasasangkot, katulad nina Abad, Alcala at Villanueva at ang nakararami sa 12 senador at 180 kongresman, agad na nagdedeklara ang Palasyo na inosente ang mga ito hangga’t hindi napatutunayan ng korte ang kanilang pagkakasala.


King ina, paano makarating sa Ombudsman at Sandiganbayan ang iskam ng mga ‘yan kung, sa totoo lang, ay hindi naman kumikilos ang Malakanyang?


The post CONSUELO DE BOBO SA PORK appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CONSUELO DE BOBO SA PORK


No comments:

Post a Comment