Saturday, June 7, 2014

May sayad tumalon sa ilog, tigbak

ISANG may diperensya sa pag-iisip ang nabingwit sa Ilog Pasig sakop ng Muelle de la Industria, Binondo, Maynila kaninang umaga.


Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa edad 40-45, may taas 5’2-5’4, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot lamang ng shorts nang makuha ito ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lugar.


Ayon sa imbestigador, alas-6:30 ng umaga nang itawag sa kanilang tanggapan ang lumutang na bangkay ng biktima.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi kilala ang biktima sa lugar subalit madalas itong makitang pagala-gala at tila may diperensya sa pag-iisip.


Ayon naman kina Irene Aquio, 30, at Christine Joy Mace, 25, ang biktima ala-1 ng hapon kahapon ng huli nilang makita ang biktima na tumalon sa ilog ngunit hindi nila ito pinansin dahil sa pag-aakalang maliligo lamang ito bunsod na rin ng sobrang init ng panahon.


Wala namang ibang sugat sa katawan ang biktima maliban sa lumalabas na dugo sa ilong nito.


Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.


The post May sayad tumalon sa ilog, tigbak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



May sayad tumalon sa ilog, tigbak


No comments:

Post a Comment