Saturday, June 7, 2014

Spanish nat’l nilimasan sa Maynila

NALIMAS ang dalang pera ng isang Spanish national matapos mabiktima ng ‘Ativan gang’ sa Maynila.


Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General assignment section (MPD-GAS) ang biktima na si Alberto Vilar, tubong Spain at nanunuluyan sa 1750 Wanderers Guest House na matatagpuan sa Adriatico, Malate, Maynila.


Natangay umano ng apat na babae at isang lalaking mga suspek ang P10,000 at 1,000 euro ng biktima.


Kinilala ng mga biktima ang mga suspek na sina Elena, 65; Isabela, 55; Salvatora, 30, ang may-ari umano ng bahay na nakilala niyang si Gina Pastor at isang lalaki na taga P. Herrera St., Tondo, Maynila.


Nabatid na naglalakad ang biktima sa Adriatico noong Hunyo 6 nang lapitan siya nina Salvatora, Isabela at Elena.


Kinaibigan umano siya ng mga ito hanggang sa yayain siyang mamasyal sa Quiapo at Avenida.


Sumunod ay niyaya siyang mamasyal sa bahay ng suspek na si Pastor dahil kaarawan aniya nito na pinakain at pinainom pa.


‘Di nagtagal ay bigla na lamang nakaramdam ng pagkahilo ang biktima at nang magising ay nasa hotel na siya matapos ihatid ng isang taxi.


Dito niya nadiskubre na nawawala na ang kanyang dalang pera.


Ayon sa biktima, kanyang makikilala ang mga babaeng suspek kapag nakita niya muli ang mga ito


The post Spanish nat’l nilimasan sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Spanish nat’l nilimasan sa Maynila


No comments:

Post a Comment