HAPPY si Alessandra de Rossi sa kanyang role sa primetime series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real bilang kababata at ex ni Dingdong Dantes. Sa istorya ay may pagtingin pa rin siya kay Dingdong kaya kinaibigan niya ang first wife nito portrayed by Maricel Soriano sa kagustuhan niyang maipagpatuloy ang pagmamahal niya rito.
“Pero in real life, hindi ko kayang gawin ‘yon. Kahit mahal na mahal ko pa ‘yong lalaki,” ani Alessandra.
Masyadong sensitibo ang tema ng nasabing primetime series na tumatalakay sa istorya ng isang lalaking dalawang babae ang pinakasalan.
Dahil matagal nang zero ang lovelife niya, hindi kaya gustuhin na lang niyang aging single na lang dahil baka makatagpo siya ng ganitong tipo ng guy?
“Well, hindi naman siguro. Hindi naman ako affected sa mga nakikita ko sa TV. In all fairness naman to me, mas inspired ako. Kasi sa TV, puro kalokohan ‘yong napanonood natin!” tawa niya.
“Pero sa tunay na buhay, napakaraming inspiring na kwento kaya mas nagpu-focus ako roon.”
Pagkatapos ng Magkano Ba Ang Pag-ibig, five months ring walang ginawang soap si Alessandra. Hindi siya nanibago na sumabak ulit sa drama?
“Hindi naman. E, kasi ako, I’m a natural actress! Charos!” natawa ulit na biro pa ni Alessandra.
“Ang mga artista, iba-iba talaga ng atake. Ako parang kahit anong mangyari isalang mo ako.
“Sabi nga nila, parang switch daw ako na, tsuk, tapos parang walang nangyari. Gano’n.”
First time lang makatrabaho ni Alessandra si Maricel at agad-agad ay okey naman daw ang kanilang working relationship. “Malikot! Ha-ha-ha! Makulit. Maingay.”
Nakahanap siya ng katapat sa kakulitan, kaingayan, at kadaldalan?
“Ay, anong katapat? Wala akong sinabi sa kanya! Ha-ha-ha!
“Huminhin nga ako sa tabi niya! Ha-ha-ha!
“Pero masaya siyang kasama kasi talagang, wala, patatawanin ka lang niya nang patatawanin. Tapos sasabihin niya? kinakabag ka na naman, ano?
“Gusto ko ‘yong pagiging matsika niya. ‘Yong parang, hindi naman kami close no’ng umpisa, ‘di ba?
“Pero, alam mo ‘yon? ‘Yong nag-u-open up siya sa akin. ‘Yong parang hindi naman niya pinapa-feel sa akin na, ako si Maricel at si Alessandra ka lang. Alam mo ‘yong gano’n?
“She’s very welcoming. Gano’n at saka mapagbigay siya. Like minsan, tinuturuan niya akong umakting.”
Taray Queen ang naging bansag kay Maricel. Hindi ba siya na-intimidate sa umpisa dahil dito?
“Hindi ko naman siya nakitang gano’n, e. Hindi ko siya nakita as Taray Queen.
“Same as, like ako, ang daming nagsasabing mataray ako and all pero kapag nakasama mo naman ako, parang wala namang bahid ng pagkataray.
“If ever na may masabi akong hindi mo ini-expect, iyon ay dahil siguro sa sobrang tino ko, gusto ko rin ay matino ang lahat ng tao sa paligid.
“Lalo na when it comes to work. Pero sa tunay na buhay, ‘yong mga simpleng pagkakamali ng mga tao o ugali, wala kang maririnig sa akin.”
Tungkol naman sa first time niyang paghu-host para sa morning show na Everyday Happy, gano’n pa rin daw siya ka-excited tuwing nagti-taping siya para rito.
“Mas masaya pang lalo kasi ‘yon nga, mas may tema na kami. Mas may sistema na kami so mas madali na for us. Kasi noong una parang hindi mo alam kung ano ang gusto nilang mangyari. Parang, ano ba, kantahan ba o lutuan ba, ano ba? parang hindi ko ma-gets?
“Pero ngayon, mas maayos na. So mas madali na sa amin na mag-adjust at saka umadlib.”
Saan siya mas ganadong mag-taping?
“Sa totoo lang, mas gusto ko ‘yong talk show. Ang problema lang, since after live may dalawa akong taping, wala na talaga akong energy after.
“Alam mo ‘yong feeling na after ng show parang, normally kapag may show ka na MWF ang taping, pagdating ng Saturday at Sunday okey ka.
“Itong sa Everyday Happy, pagkatapos, wala na. Gusto mo nang magpahinga.
“Gusto mo ‘yong weekend mo walang gagalaw. ‘Yong gano’n, Kasi ubos na ubos ‘yong energy mo.
“Siguro dahil ang ipini-present mo sa show, as Alessandra de Rossi. Hindi as a character. So, talagang mas mahirap siya. Kailangang tunay na tunay na nakikita ‘yong, kahit malungkot ka kailangang masaya ka.”
The post Malikot, makulit, maingay!! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment