Thursday, June 26, 2014

Carla inabsuwelto si Kylie sa break-up kay Geoff

UNA kaagad itinanong kay Carla Abellana ang isyung dahilan ng break-up daw nila ni Geoff Eigenmann ay si Kylie Padilla.


Kaagad namang itinanggi ni Carla na si Kylie ang 3rd party sa hiwalayan nila ni Geoff. Wala raw kinalaman ang actress sa break-up nila ng actor.


Kung magkakaroon nga raw ng pagkakataon si Carla na kausapin si Kylie ay gagawin niya pero hindi raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap.


Sa Sunday TV show naman ng GMA 7 kung saan sila magkasama ay magkahiwalay ang dressing room nila.


Hindi alam ni Carla kung gaano kabigat kay Kylie ang break-up kay Aljur pero one thing na sinisiguro ng una na walang katotohanan na pinormahan ng ex-boyfriend niyang si Goeff ang dalagang anak ni Robin Padilla.


Napansin ng press ang kakaibang aura at kasiyahan ngayon sa mukha ni Carla, meaning ay talagang nakapag-move on na ito sa breakup kay Geoff. Tinukso tuloy siya na si Tom Rodriquez, ang leading man niya sa bagong teleseryeng My Destiny na papalit sa timeslot ng Kambal Sirena sa GMA 7 raw ba ang gumamot ng sugatan niyang puso?


Sabi naman ni Carla, ayaw niyang pangunahan ang maaaring mangyari sa kanila ni Tom. Right now ay magkaibigan sila at doon daw muna sila naka-focus.


=0=


Kapwa aminado sina Julia Barretto at Enrique Gil na attracted sila sa isa’t isa. Hindi kami magtataka kung dumating ang araw na magkaroon ng relasyon ang dalawa.


Ayon kasi kay Enrique, si Julia raw ang pinaka-naging close sa kanya sa lahat ng kanyang mga naka-loveteam.


Tinanong si Enrique kung masasabi ba niyang fascinated siya kay Julia. Kaagad niyang sagot: “Yes, of course.”


Ask again kung possible ba niyang ligawan si Julia, ang bilis ng sagot niyang “yes!”


When asked naman si Julia, kung pwede si Enrique ang maging first boyfriend niya?


Pwede raw ang sagot kaagad din ni Julia.


So, walang duda na magkahulugan nang tuluyan ang dalawa bago matapos ang Mirabella nila sa ABS-CBN.


The post Carla inabsuwelto si Kylie sa break-up kay Geoff appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Carla inabsuwelto si Kylie sa break-up kay Geoff


No comments:

Post a Comment