NU’NG 90s sumikat ang male singer. Kasabay ng kanyang kasikatan ang pagiging magaan ng kanyang mga kamay sa kanyang mga alalay. Kapag lasing ito ay walang pakundangan sinasapok o tinatadyakan ang kanyang boy kapag nagkamali sa pagsunod sa kanyang inutos, halimbawa ang pagkuha ng maling beer o pulutan na hindi niya type ang pagkakaluto, o kaya’y mabagal ang pagkilos.
Ngayon ay laos na ang singer na ito at wala na ang dating tikas. Baka ‘pag nanapok siya ng katulong at bawian siya ng pitik lang tiyak talsik siya dahil sa kanyang kapayatan. Isang bulate lang ang pumirma, adios amigo.
Siguro idol ng singer na ito ang controversial singer na may edad na. Ayon sa kanyang anak, itong tatay raw niya kapag nalalasing ay trip din ang manakit ng kasambahay. Kapag hindi raw nalilinis ang kuwarto ng una ay ‘award’ agad ang inaabot ni Dodong. Takot nga raw sila lahat sa tuwing kargado ng agua de pataranta ang singer na itetch na sumikat sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa.
Hindi kaya sinisiraan lang siya ng anak niyang ito na lamonera? Aba’y nang kumain ito sa isang canteen nang masarapan sa biko binalik-balikan at nag-takeout pa. Hindi tuloy nakakain ang ibang talent. Sabagay, nakikita naman sa kanyang katawan, konting panahon pa kahawig na niya si Dabiana.
WALA SA AYOS ANG IBANG NORANIAN
May ibang tagahanga si Nora Aunor na idinadamay si Vilma Santos sa hindi pagkakapili ng kanilang idolo bilang National Artist. Tagahanga raw si PNoy ng Star for All Seasons kaya niligwak nito ang Superstar sa nasabing award. Pati ang hindi pagkomento ni Ate Vi ay binigyan din nila ng negatibong kahulugan. Hindi na tuloy alam ng aming idol kung saan siya lulugar. Pati ang inyong lingkod ay walang patumanggang pinaglalait ng mga ito.
Tingin kasi nila kay Nora ay isang santo sa larangan ng sining (may rebulto na nga siya na pinagawa ni Imee Marcos), na bawal itong punahin o bigyan ng negatibong komento. Parang ito na talaga ang pinakamagaling sa lahat. Aminado naman tayong magaling s’ya pero hindi ito perpekto.
Katunayan, mga baguhan lamang ang tumatalo sa kanya ngayon. Kaya huwag nating ipagpilitan kung hindi pa siya nabibigyan sa ngayon ng naturang award. Marami pang pagkakataon at si Pangulong Noynoy ay hanggang 2016 lang uupo.
Ang hirap dito sa ibang umiidolo kay Ate Guy, sobra sa ngakngak kulang naman sa gawa. Matagal na nating hinihiling sa kanila na suportahan nila ang bawat proyekto ng kanilang idolo para kumita ito pero wala puro flop ang mga palabas nito. Hindi naman nabubuhay ang artista sa pagtanggap lang ng parangal. Habang humihinga pa siya pasayahin ninyo siya sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanyang mga proyekto upang kahit papaano ay mabuhay naman ito ng maayos katulad nang dati. Ito ang maibabalik ninyo, natin sa kanya kapalit ng karangalang iniuuwi niya.
Patahimikin ninyo si Gov. Vi dahil mas mahalaga ang ginagawa nito kesa sa kadaldalan natin. Abala ito sa pagganap sa tungkulin bilang ina ng lalawigan ng Batangas. Tahimik ang buhay niya kaya huwag natin siyang idamay sa gulo.
WALANG MAIBIGAY NA DAHILAN
Nganga lang si Julia Barretto nang tanungin tungkol sa pagpalit niya ng apelyido-mula sa Baldivia na tunay na apelyido ni Dennis Padilla ay gusto nitong Barretto na ang maging legal surname sunod sa last name ng kanyang inang si Marjorie Barretto.
Hindi pa yata naiintindihan ni Julia ang epekto ng desisyon niyang ito para sa kanyang ama na mukhang iniismol na ni Marjorie porket laos na at walang kayamanan.
Palitan na rin kaya ang dugo ng dalaga na nananalaytay sa kanyang mga ugat para talagang wala na itong konek sa kanyang ama.
Paano naman kaya ‘yong genes mula sa kanyang tatay, pwede bang mabura ito?
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Kilalang singer madalas bugbugin ang boy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment