PINAYAGAN ng Korte Suprema ang inihaing mosyon ng Department of Justice (DoJ) na mailipat sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang paglilitis sa mga respondents sa Atimonan rubout case noong Enero 2013.
Sa resolusyon ng Supreme Court (SC) First Division, inaprubahan nito ang kahilingan ni Prosecutor General Claro Arellano na mula sa Gumaca-Quezon RTC Branch 61 ay mailipat ang pagdinig ng kaso sa Manila RTC dahil na rin sa isyu ng seguridad.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng Notice of Resolution ang SC-First Division na nag-aatas sa Executive Judge ng Manila RTC na kaagad isailalim sa raffle ang multiple murder case laban sa mga respondents.
The post Pagdinig ng Atimonan rubout case sa Manila RTC, aprub sa SC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment