ISA na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Kung magpapatuloy ang paglakas nito ay maaaring maging ikaanim na bagyo para sa taong 2014 ayon sa PAGASA.
Kapag nabuo na sama ng panahon ay papangalanan ito Florita.
Ayon sa pagtaya ng weather forecasters, dalawa pang bagyo ang posibleng mabuo sa karagatang sakop ng Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng Hunyo.
Pinapayuhan naman ang mga naninirahan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas na mag-ingat sa mga biglaan at malalakas na buhos ng ulan dahil sa hanging habagat.
The post LPA pa namataan sa West Philippine Sea appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment