ANIM katao ang sugatan makaraang magbanggaan ang dalawang bus sa Calauag, Quezon.
Nabatid na naganap ang banggaan ng Mega Bus Line na minamaneho ni Alex Palmira at Alps Bus na dala naman ni Vincent Toledo sa Barangay Sta. Milagrosa sa nasabing bayan kung saan isinasagawa ang isang road construction.
Pinahihinto umano ng isang flagman ang sasakyan ni Palmira upang padaanin muna ang bus na minamaneho ni Toledo subalit hindi raw siya sinunod.
Nagtuloy-tuloy si Palmira dahilan upang sumalpok sa kasalubong na Alps bus.
Kaagad na dinala sa St. Peter General Hospital ang mga biktima.
The post 6 katao sugatan sa banggaan ng 2 bus sa Quezon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment