APRUBADO na ng Commission On Higher Education (CHED) ang hirit na taas-matrikula ng 287 eskwelahan sa buong bansa.
Kinumpirma ng CHED na nasa 1,683 pribadong kolehiyo na humiling ng tuition increase para sa school year 2014-2015, 287 o 17 porsyento ang inaprubahan ng komisyon.
Samaktuwid, 64 sa 65 eskwelahan na nag-aplay ng tuition hike sa NCR ang naaprubahan.
Habang sa Region 4-A, 25 ang magtataas ang matrikula habang 26 sa Region 3.
Papalo naman sa Sa Metro Manila sa average na P66.24 o 6 percent ang tuition increase.
P31.04 o 7.35 percent sa Region 4-A habang P39.42 sa Region 3 o 9.3 percent.
Inaasahan namang walang magiging pagtaas ng matrikula ang magaganap sa Region 8 na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.
Ayon sa CHED, ang average na tuition increase kada unit ay P35.66 habang P141.55 ang average na itataas ng iba pang bayarin sa mga pribadong eskwelahan.
The post Taas-matrikula sa 287 iskul aprub na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment