MAGPAPASABOG ang host Jose Rizal University sa opening ceremony sa 90th NCAA basketball tournament sa darating na Hunyo 28 sa
MOA Arena sa Pasay City.
Subalit para kay San Beda College Red Lion center at Nigerian Ola Adeogun hindi lang ang opening ceremony ang aabangan kundi ang team mismo na para sa kanya ay bibigyan din ng atensyon ng ibang mga koponan.
“Based on what I saw in the pre-season, I think Jose Rizal and Perpetual Help should be strong this season,” ani Adeogun na tubong Lagos.
Ipinakita ng Heavy Bombers ang kanilang solidong laro sa pre season matapos sumampa sa quarterfinals sa Filoil Flying Hanes Premier Cup nakaraang buwan.
Bukod sa JRU aabangan din ng ibang mga coaches ang Perpetual Help Altas na nagkampeon sa Fr. Martin Summer Cup matapos talunin sa Finals ang UAAP powerhouse Santo Tomas nakaraang Linggo.
Kinaldag pareho ng Jose Rizal at Perpetual Help ang UAAP champion La Salle sa Filoil elimination round.
Ang La Salle pa rin ang nagkampeon sa Fil-Oil sumegundo ang San Beda.
Mabilis naman na sumagot sina Coaches Vergel Meneses ng Jose Rizal at Aric del Rosario ng Perpetual sa maagang prediksyon sa kanilang koponan.
Ibabandera ng Heavy Bombers ang 6-foot-7 na si Andul Wahab Abdul Razak na galing sa Ghana, makakasama nito sina Michael Mabulac, Philip Paniamogan at Jaycee John Asuncion na transferee galing sa Perpetual Help.
Pero para kay dating PBA star at MVP Meneses kailangan gumana
ang kanyang second stringers para makatulong ng malaki sa kanyang mga beterano.
“I need my second team to step up because the starters can’t do it alone,” ani Meneses.
Para sa Altas kahit nawala si Nigerian Nosa Omorogbe ay nandun pa rin ang ibang players na nagsampa sa Perpetual sa Final Four.
Nasa roster pa rin ng Perpetual sina Justin Alano, Harold Arboleda, Juneric Baloria, Earl Scotty Thompson at Joel Jolangcob.
Marami silang natutunan nakaraang season kaya mas tumaas ang kumpiyansa nila ngayon sambit ni Del Rosario.
The post JRU magpapasabog sa 90th NCAA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment