NOONG nakaraang araw, napabalita sa TV at radyo ang tungkol sa mag-anak na nahuli ng mga pulis na nagbebenta raw ng iligal na droga.
Buong pamilya, ang hanapbuhay ay mag-peddle ng illegal drugs. Magmula sa lolo hangang sa mga menor-de-edad na mga miyembro ng pamilya.
Pero ang mas nakababahala ang sinasabing isa sa paraan nila para makabenta. Libreng tikim daw para sa mga estudyante.
Saan ba tayo nakakukuha ng mga libreng tikim. Diba sa mga groceries. Kapag may bagong mga produkto ay nakagawian na, na ipatikim sa mga mamimili ang bagong produkto para kapag nagustuhan ay bibili na sila sa susunod. Mga ham, keso, bagong mga juices, mga tinapay at kung ano-ano pa.
Tayo naman na mga mamimili ay game sa pagtikim, libre naman at para rin ma-satisfy ang ating curiosity tungkol sa bagong produkto. Siguro nga, kapag nagustuhan ang bagong produkto ay bibilhin na ito sa susunod.
Pero shocking na news na pati ang strategy na ito ng “libreng tikim” ay ginagamit na rin ng mga kriminal na ang target pa ay mga kabataan, mga bagong estudyante dahil palibhasa ay umpisa na naman ng klase. Iniisip ng mga kriminal na ma-hook ang mga estudyante.
Ang iniisip siguro ng mga pusher ay matikman lang ng mga bata ang iligal na droga ay magugustuhan na nila ito at paulit-ulit na silang gagamit.
Libre sa simula, katagalan ay magkakaroon ng presyo na abot-kaya ng mga estudyante at kalaunan ay gagawa na rin ng masama para magkaroon ng pera na pambili ng droga.
Extra ingat sana sa ating mga kabataan, huwag padadala sa mga manlilinlang, ‘wag paiisa sa mga kriminal na nagpapanggap na kaibigan.
At hamon na rin sa ating kapulisan, maawa kayo sa ating kabataan. Sugpuin ng maaga ang mga kriminal na namumugad sa mga malapit sa paaralan.
Hamon ito sa kakayahan ng ating kapulisan. Insulto sa kagitingan ng pulis ang itinutulak daw na “libreng tikim”.
Hamon ito sa ating mga awtoridad na masugpo ang paglaganap ng krimen ng illegal drugs na ang puntirya ay ang kabataan.
The post LIBRENG TIKIM appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment