MUKHANG nangangatog na ang MalacaƱang sa bagong puwersa na nananawagan ng Resign All!, Jail All Corrupt Politicians, Executives, Lawmakers and Judges.
Sa usap-usapan sa social sites, sports clubs, at iba pang lugar ng pulungan, masasabing handang-handa na ang KOALISYON bukas Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Nitong huling meeting daw na ginawa sa dalawang malaking bahay-pulungan, makikitang buo ang loob at mataas ang komitment nang mga dumalo.
Ang panggitnang postura, ibagsak ang paghahari ng korapsyon at ipakulong ang mga tiwali at abusadong liderato ng kasalukuyang rehimen. Naging kapuna-puna lang ang huling yugto ng pag-uusap nang nagsasabi at nagtatanong kung bakit biglang sumali ang kampo ni 2016 presidentiable VP Jojo Binay at mga dating aktibista ng Dekada ‘70 at ‘90 gayung alam ng marami na nasa payroll sila ng MalacaƱang at ibang pulitiko ngayon.
Sa pakiramdam ng marami, mukhang nagkaroon ng pagdududa ang ilang indibiduwal at kasama na rin ang takot, na baka masapawan sila ng papel ng mga tauhan ng politiko sa araw ng pagkilos.
Ito lang po ang masasabi natin sa mga organizer: kung gusto ninyong magtagumpay sa inyong plano na pakikibaka laban sa mga namamahalang tiwali, iwasan muna ninyo ang pagdududa sa mga taong dumalo at nakiisa sa inyong mga pagpupulong. Huwag kayong matakot o maghinala na baka masapawan kayo.
Ang mahalaga sa ngayon ay magkaroon ng sapat na bilang o dami ng mga sasama. Tiyakin na walang lamat ang pag-imbita lalo na ang tamang-duda. Tiyakin muna na magtatagumpay ang martsa ng bayan sa dami ng bilang at naniniwala.
Kung hindi ninyo gagawin iyon at magpapakita agad kayo ngayon ng mga negatibong reaksyon o pagtanggap sa mga gustong sumali ay tiyak na kabiguan ang inyong maaani. Tandaan na ang nagdaang Million Peoples March. Ang ganda na sana pero hinayaan ng mga lider ng pagkilos na makapapel ang mga kwestyonableng indibidwal at grupo. Hayun, mabigat na intriga tuloy ang inani sa halip na matamis na bunga.
Magkaisa kayo. Saka na ang intriga at isolation. Tiyakin muna na solido ang pagkilos hanggang magtagumpay. Matapos iyan, isunod ang pagpili ng mga tapat sa bayan at kilusan para mamahala sa mga susunod na hakbang.
Magkaisa muna at magwagi sa tapang ng katotohanan at husay ng organisasyon. Huwag magpadala sa mga indibidwal o grupo na tuta ng mga politiko.
Huwag silang payagan na pumapel sa oras ng laban.
June 12 Coalition, ang tagumpay ninyo ay nasa lakas ng bayan. Sa inyong pakikibaka sa Araw ng Kalayaan, sigurado akong marami ang makikiisa sa inyo.
The post JUNE 12 COALITOION HANDA NA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment