HINOL DAP na, hinataw pa ng tire wrench sa ulo ang isang Chinese national na babae sa Quezon City kaninang madaling-araw, Hunyo 11.
Isinugod sa Quirino Memorial Medical Center (QMCC) sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Chen Jun, 44.
Nakipag-ugayan na ang pulisya sa operator ng taxi para malaman kung sino ang nagmamaneho ng Sir Anthony taxi (UVZ-437) na sangkot sa insidente.
Sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan dakong 1:00 ng madaling-araw sa may Katipunan Avenue flyover sa Barangay Loyola Heights, Q.C.
Sa imbestigasyon ng QCPD, kararating lamang ng biktima sa Ninoy Aquino International Ariport (NAIA) at sumakay sa taxi ng suspek para magpahatid sa may Cubao, Q.C.
Pagsapit sa may nasabing flyover, nagdeklara ng holdap ang suspek at kinuha ang bag ng biktima pero tumanggi ito.
Dahil dito, pinukpok ng suspek gamit ang tire wrench sa ulo ang biktima saka inabandona ang kanyang taxi.
Napansin naman ng MMDA personnels ang komonsyon kaya nasaklolohan ang biktima pero natangay na ng suspek ang pera, cellphone, camera at mga credit card ng dayuhan.
Nabatid na nagpunta ng Pilipinas ang biktima ay para dalawin ang kanyang nobyong Pinoy sa Angeles, Pampanga.
The post Chinese nat’l basag ang ulo sa holdaper appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment