UNA munang pinatay ang ka-live-in saka isinunod ang kapatid na lalaki ng nagselos na mister sa Mandaue Cebu kaninang umaga, Hunyo 4.
Kinilala ang suspek na si Jun Tolin, habang ang kanyang pinatay na ka-live-in ay si Ashiela at pinaghinalaang karelasyon nito na si Jason Tolin.
Nabatid na nag-ugat ang pagpatay ng salarin sa mga biktima nang mabasa nito ang text ng kapatid na si Jason na inuutusan si Ashiela na ipa-abort ang ipinagbubuntis nito.
Sa galit ay kumuha ng baril si Jun at inutas ang kanyang ka-live-in saka pinuntahan sa bahay ang kanyang kapatid na si Jason at niratrat din bago tumakas.
Tangka namang magpakamatay ng salarin pero naubusan na siya ng bala.
Lumalabas na matagal nang may hinala ang suspek sa relasyon ng kanyang ka-live-in at kapatid pero binalewala lang muna hanggang sa makakita na ng ebidensiya.
The post Ka-live-in, utol todas sa nagselos na mister appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment