Wednesday, June 4, 2014

Manilyn natakot kay Janno

TOTOO palang natakot makasama sa isang serye or pelikula ni Manylyn Reynes si Janno Gibbs sa pangamba na magkaroon ng aberya sa kanilang taping or shooting.


Lagi raw kasing late si Janno at matagal din itong naging problema ng production staff ng network. Pero dahil sa ganda ng istorya ng My BFF ay hindi na nakatanggi si Mane na makasama muli ang ex-boyfriend. “Actually, hiningi ko muna ang reaction ng mister ko bago ko tinanggap ang serye na pagsasamahan namin ni Janno. Kasi natatakot ako na baka ganoon pa rin ang attitude niya na laging late sa taping,” tsika ni Mane.


Pero mismong mister pa ni Mane ang nag-encourage sa actress na tanggapin ang serye at huwag mag-aalala na baka maging sakit na naman ng ulo ng production staff ang pagiging late ni Janno.


Tama ang naging desisyon ng mister ni Mane na tanggapin ang My BFF dahil ibang Janno na ang actor. Hindi na ito late at kung ma-late daw ay hindi ganoon katagal. Bukod sa pagpapatawa sa serye ni Janno ay nagsusulat na rin ito ng mga kanta na kadalasa’y ginagamit na ring theme song ng isang teleserye.


-0-


PUMAYAG si Lauren Young na makipagromansahan sa kama kay Richard Gutierrez sa pelikulang Overtime under GMA Films na idinirek ni Wincy Ong. Bago kunan daw ang love scene ay binulungan ni Lauren si Chard na first time lang daw siyang gagawa ng ganoon eksena dahil wala pa raw siyang experience sa kama.


Sinabi raw ni Lauren kay Chard na i-guide siya sa love scene para hindi raw lumabas na pangit. Lumabas naman na makatotohanan ang eksena dahil sa istorya ay first time rin makikipagromansahan sa kama si Lauren.


Bukod sa super daring na romansahan nina Lauren at Chard ay may eksena pa ang younger sister ni Megan Young na tumakbong nakabra lang at shirt sa rami ng tao nakapaligid sa shooting.


Ayon kay Lauren, wala naman daw pagsisisi sa ginawa niyang daring scene dahil kailangan daw talaga sa istorya. Super excited na nga raw ang Ate Megan niya na mapanood ang pelikulang Overtime at hindi raw ito nagalit sa ginawa niyang pagpapaka-daring sa movie.


The post Manilyn natakot kay Janno appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Manilyn natakot kay Janno


No comments:

Post a Comment