Wednesday, June 4, 2014

Parents ni Rafa Siguion Reyna, mas happy sa pagpasok sa showbiz

KAPALARAN na ni Rafa Siguion Reyna na maging bahagi ng magulong showbiz kung saan higit na nakilala ang parents niyang sina Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza. Isang award-winning director si Carlitos, na anak din ng multi-awarded artist na si Armida Siguion Reyna, samantalang ang ina ni Rafa ay mas kilalang scriptwriter at director sa telebisyon.


Naalala ni Rafa , bago pa siya pumirma sa GMA Artist Center, mahilig na siya sa sports na basketball. Kapag may tournament sa school na isa siya sa players, ‘di nanonood ang parents niya. ‘Di nila feel na naglalaro siya ng basketball.


Nang ma-involve na si Rafa sa stage play sa school, aba! laking himala na laging present ang parents niya sa panonood ng play, o anomang activities si Rafa na involved ang artistic interest niya tulad ng singing at dancing.


Pinili naman ni Rafa na maging artista ngayon pagkatapos na magtapos ng Mass Communication course sa New York University sa USA. Sa ngayon ay busy na si Rafa bilang aktor sa Ang Dalawang Mrs. Real kung saan off beat role ang ginagampanan niya bilang isang tauhan ng bida na pumapatay.


Ani Rafa, “Hindi ako namimili ng characters. Basta lang ba magampanan ko ito ng totoo!”


Bale first assignment niya ang Ang Dalawang Mrs. Real buhat nang pumirya siya ng 3 years contract sa GMA 7.


DIREK MARK REYES, NAGUSTUHAN ANG BALBAS NI DERRICK MONASTERIO


BUMAGAY kay Derrick Monasterio ang pagkakaroon ng bigote at balbas sa mukha. New look ito para kay Derrick na ngayo’y mapanonood na sa bagong soap ng GMA 7 sa afternoon primetime, ang Half Sisters.


Nang nag-report siya sa set ng The Halfsisters na balbas sarado at may bigote, nagustuhan agad ni direk Mark Reyes ang new look niya. Bagay rin ito sa role ni Derrick dahil isang driver na mahirap ang role niya.


Ibang-iba ang role na ito sa naunang assignment ni Derrick na laging anak mayaman ang role. Bale sa pagiging mahirap at masipag na pagkatao niya rito, magugustuhan siya ng leading lady niyang si Barbie Forteza. Ngayon sa The Half Sister ay makakalaban ni Derrick sa puso ni Barbie ang super taas at hunk din na si Andrei Paras, ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.


Kilalang basketball player si Andrei. Sa ngayon ay varsity player siya sa UP Maroons. Ayon kay Barbie, mas kalog sa kanya ngayon si Andrei. Hindi mawawala ang pagpapatawa sa set. Nag-iisip agad si Andrei paano sila mapatawa sa set.


‘Di pa rin nagbabago si Derrick para kay Barbie. Bukod sa makulit, ganoon pa rin bilang isang pasaway. Kahit magkaiba ang characters ng dalawa, napakikisamahang mabuti ni Barbie ang dalawang aktor.


The post Parents ni Rafa Siguion Reyna, mas happy sa pagpasok sa showbiz appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Parents ni Rafa Siguion Reyna, mas happy sa pagpasok sa showbiz


No comments:

Post a Comment