NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mag-ingat ang mga Pilipino hinggil sa alok na trabaho sa Canada, partikular sa food services sector.
Sinabi ni POEA Administrator Hans Cacdac na umiiral pa rin ang moratorium sa sektor, para sa temporary foreign worker program.
Ayon kay Cacdac, mananatili ang moratorium hangga’t hindi pa tapos ng pamahalaan ng Canada ang pagre-review sa naturang programa.
Inilagay ng pamahalaan ang moratorium dahil sa mga alegasyon na nawawalan ng trabaho ang mga Canadian national dahil sa programa.
The post Inaalok na trabaho sa Canada, ibinabala appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment