NAKAALERTO ngayon ang buong China kasabay ng ika-25 anibersaryo ng Tiananmen massacre.
Ipinakita ng awtoriad ang paghihigpit ng mga pulis sa mga kaanak ng mga biktima ng masaker.
Sinasabing Abril pa lamang ay nakabantay na sa bahay ang mga awtoridad at hindi makaaalis ng bahay ang mga residente roon nang walang police escort.
Maliban dito, naghigpit din ang gobyerno ng China sa internet at mahigpit na ipinagbabawal na mabanggit sa social networking site ang mga salitang may kaugnayan sa Tiananmen massacre.
The post China, nakaalerto sa anibersaryo ng Tiananmen massacre appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment