Wednesday, June 4, 2014

E-Painters hiniya ang Aces

PARANG ipu-ipong dinaanan ng Rain or Shine Elasto Painters ang Alaska Milk Aces matapos ilista ang 123-72 panalo ng una kagabi sa nagaganap na PLDT Home TelPad PBA Governors’ Cup eliminations sa PhilSports Arena sa Pasig.


Walang awang tinambakan ng 51 puntos ng E-Painters ang Aces upang masolo ang sixth spot hawak ang 3-3 win-loss card habang ang huli ay nalaglag sa seventh place tangan ang 2-4 karta.


Umabante agad ang RoS ng 17 puntos sa first half at lumubo pa ito sa pagtatapos ng third period, 89-61.


Nagpakitang gilas ng todo ang import ng E-Painters na si Arizona Reid ng mangalabaw ito ng 48 puntos, 10 rebounds at dalawang assists habang tumulong naman si Jeff Chan ng 15 pts. at tig dalawang rebounds at steals kasama ang 2-of-2 sa three point area.


Ayon kay RoS head coach na si Yeng Guiao ay dumarating talaga sa isang team ang ganitong pangyayari.


“Kahit anong team dito sa PBA ay puwede mangyari ang ganito.” ani Guiao.


Halos tatlong dekada na ang nakalipas ng itala ng Shell ang pinakamalaking tambak sa kalaban.


Taong 1986 ng paluhurin ang Shell ang Tanduay.


Samantala, sumalo ang Air21 Express sa San Miguel Beermen sa fourth to fifth spot matapos pagpagin ang Meralco Bolts, 80-67 sa unang sultada.


The post E-Painters hiniya ang Aces appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



E-Painters hiniya ang Aces


No comments:

Post a Comment