Wednesday, June 18, 2014

Pagbebenta ng maalat na itlog sa Villasis bawal na rin

VILLASIS, PANGASINAN – Sumunod na rin ang bayan ng Villasis sa pagbabawal ng pagbebenta at pagbili ng itlog na maalat nang anim katao ang isinugod ospital sanhi ng pagkain nito.


Samantala, ang Tayug at Sta. Maria, ay nauna nang ipinagbawal ang pagbenta ng itlog na maalat (salted egg) nang 40 katao ang itinakbo sa pagamutan dahil sa food poisoning.


Sa Barangay San Blas, Villasis anim katao ang isinugod sa pagamutan matapos makaranas ng pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng tiyan.


Ayon sa mga biktima, nakabili sila ng nasabing salted egg sa ambulant vendor na nagbabahay-bahay.


Mula noon, ipinagbawal ng municipal health center ng Villasis ang pagbili at pagkain ng itlog na maalat.


Samantala, ayon kay Dr. Ana Marie de Guzman, ipapa-examine nila ang mga itlog na maalat sa tatlong bayan (Tayug, Sta. Maria at Villasis) kung ito ay kontaminado.


Ayon kay De Guzman, maliban sa itlog na maalat, titingnan din nila ang mga tubig inumin kung ito ay may bad bacteria o wala.


Aalamin din ng health officials kung saan galing ang kontaminadong itlog na maalat.


Matatandaan na pare-pareho ang testimony ng mga biktima sa pagkatapos nilang kumain ng itlog na maalat ay nahilo na sila at sumuka.


The post Pagbebenta ng maalat na itlog sa Villasis bawal na rin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbebenta ng maalat na itlog sa Villasis bawal na rin


No comments:

Post a Comment