Sunday, June 8, 2014

Hemodialysis center ng NKTI, balik operasyon na

PANSAMANTALANG magbabalik operasyon ang Hemodialysis Center ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ngayong araw.


Magugunitang isinara muna ang Hemodialysis Center dahil sa reklamo ng chills o panlalamig at pangangatog ng ilang pasyente habang dina-dialysis.


Sa muling pagbubukas ng center, 20 lamang mula sa 31 machine ang gagamitin sa NKTI.


Samantala, sinabi ni NKTI Executive Director Dante Dator na natukoy na ng Food and Drug Administration (FDA) ang dahilan ng chills ng ilang pasyente.


May kinalaman aniya sa mga ginamit na gamot sa dialysis ang sansi ng nasabing insidente bagamat hindi na idinetalye pa ng NKTI Executive Director.


The post Hemodialysis center ng NKTI, balik operasyon na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hemodialysis center ng NKTI, balik operasyon na


No comments:

Post a Comment