NAITALA ng seismic network ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang volcanic earthquakes sa bulkang Mayon sa nakalipas sa 24 oras.
Nakita rin ang moderate emission ng white steam plumes o puting usok sa direksyon ng West-Northwest at northeast.
Wala namang nakitang crater glow kagabi tulad ng inaabangan ng karamihan.
Samantala, base sa geodetic results sa isinagawang ground deformation survey (precise leveling) noong Pebrero, nakita ang deflationary changes sa edifice ng bulkan.
Sa ngayon, nananatili sa alert level 1 ang status ng bulkang Mayon na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal na kondisyon.
Kahit na nilinaw ng Phivolcs na wala namang banta ng magmatic eruption.
Sa kabilang dako, mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa perennial life-threatening dangers sa posibleng rockfalls, landslides/avalanches sa may dalisdis ng bulkan.
The post 2 volcanic quakes naramdaman sa Mayon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment