Sunday, June 8, 2014

2,000 PNP personnel ikinalat sa mga eskwelahan sa MM

NAKAALERTO na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabalik klase ng mga estudyante sa mga pribadong paaralan, simula ngayong Lunes.


Tiniyak ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, PNP Public Information Office Chief na nakalatag na ang lahat ng security preparations kabilang ang paglalagay ng mga police assistance desk.


Paiigtingin ng PNP ang seguridad lalo’t karaniwang target ng mga kriminal ang mga estudyante sa mga pribadong paaralan.


Samantala, tinaya sa 2,000 personnel ang idedeploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paligid ng mga paaralan sa Metro Manila.


Partikular na babantayan ng mga pulis ang university belt sa C.M. Recto at Taft Avenues sa Maynila.


The post 2,000 PNP personnel ikinalat sa mga eskwelahan sa MM appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2,000 PNP personnel ikinalat sa mga eskwelahan sa MM


No comments:

Post a Comment