Monday, June 9, 2014

GLOBAL SUBIC SCAM (5)

ito-ang-totoo-colored3 PAGKAKATAON na ng kasalukuyang pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na ituwid ang lumalabas na maanomalyang pamimigay ng dating pamunuan sa pribadong kompanya ng dating US Navy Ship Repair Facility (SRF) compound at mga pantalan nito sa Subic Bay Freeport.


Ito Ang Totoo: 18 dating opisyal ng SBMA, kasama sina dating Chairman Feliciano Salonga at dating Administrator Armand Arreza, ang pinakasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa hawig na transaksyon sa kalapit na dating US Naval Supply Depot (NSD).


Kung tutuusin, mas malala ang kaso ng SRF dahil ang upa ng Global Terminals Development, Inc. (Global) ay P7.50/sqm. lang sa may 14 ektaryang compound, kasama na ang tatlong (3) pantalan, mga gusali at pasilidad na iniwan ng US Navy matapos itigil ang pagbabase nito sa Subic.


Libo-libo naman “per sqm.” ang singil ng Global sa mga “sublessee” nito.


Nagawa ang transaksyong lubhang disbentahe sa pamahalaan dahil hindi dumaan sa bidding, isang malinaw na paglabag sa R.A. 9184.


Sa unang kasunduan, hindi kasama ang Alava Pier ng SRF pero nang pinalawig ng Memorandum of Agreement (MOA) sa panahon nina Salonga at Arreza, hindi lang Alava Pier, pati Bravo at Rivera wharves ay nakontrol na ng Global.


Naglagay pa ng tollgate sa SRF compound ang Global para singilin ang lahat ng “road users fee” raw: P20 ang behikulo, P10 ang bisikleta at P5 ang naglalakad, pati mga pobreng yagyag na minimum o mababa pa ang kita sa araw-araw na pagbabanat ng buto.


Ipinagawa raw kasi ng Global ang daan kaya ito ay may karapatang maningil ng “road users fee,” gayung maraming bahagi nito ay tapal-tapal lang na maninipis na aspalto.


Ito Ang Totoo: pati operasyon ng United States Navy sa Subic ay naaapektuhan ng monopolyo ng Global kaya lalong kailangang agad harapin ito ng kasalukuyang pamunuan ng SBMA.


Ayon sa ilang SBMA director, kanilang bubusisiin ang kontrata ng global, mabuti naman.


Pero kailan?


Nababasa raw nila ang mga sinusulat natin kaugnay ng maanomalyang kontrata ng Global sa SBMA at sa tanong natin kung may sinasabi ba tayong mali, wala naman daw.


Ganoon naman po pala, eh, ‘di po ba dapat aksyon na agad. Ito Ang Totoo!


The post GLOBAL SUBIC SCAM (5) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



GLOBAL SUBIC SCAM (5)


No comments:

Post a Comment