HINDI makalilimutan ng isang sikat na female singer sa buong singing career niya ang nangyaring concert niya sa Germany ilang taon na ang nakakaraan. Super nilangaw diumano ang show niya kahit kasikatan niya noon sa Pinas.
Binoykot daw ng mga Pilipino ang show ng singer-actress dahil sa kayabangan ng producer na German at may asawang Pinay. Ipinamukha ng produ na hindi nila kailangan ang tulong ng mga asosasyon ng mga Pilipino dahil sikat daw ang dala nilang artista.
Ang ending wala pa diumano sa dalawang daan ang nanonood sa concert ng sikat na female singer.
Nakabawi na lang daw ito at tinao nu’ng mag-concert siya sa Belgium.
-0o0-
KUNTENTO si Christian Bautista kung anoman ang sinapit ng kanyang career bilang Kapuso star.
Wala siyang pagsisisi na nag-ober da bakod mula sa ABS-CBN 2. Inaalagaan naman daw siya ng GMA 7 at naka-isang taon na siya. May nalalabi pa raw siyang two years sa pinirmahan niyang kontrata.
Masaya naman daw siya na nabigyan siya noon ng seryeng With A Smile at napasok noon sa Party Pilipinas na napalitan ng Sunday All Stars. Happy rin siya sa reformat ng SAS. Mas gumanda raw ang exposure niya at nakakakanta pa siya kasama ang songbird na si Regine Velasquez.
Alam mo na!
-0o0-
ANG huling balita ay lilipat na sa Kapuso network si Diether Ocampo pero patuloy ang pananamlay ng kanyang career at pananahimik? Nasaan daw si Diether? Bakit hindi na siya visible pagkatapos ng seryeng Apoy Sa Dagat?
Ano ang nangyayari kay Diether? Magaling pa namang artista pero bakit nawalan ng project?
Totoo bang may sakit ito kaya nawawala sa sirkulasyon? Ano naman ang misteryosong sakit ni Diet kung meron man?
Just asking?
The post Nilangaw mereseng sikat! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment