DAHIL sa hindi pinayagang mag-enroll ang 35 estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) ay sinalubong ng mga ito ng hunger strike ang pagbubukas ng klase kaugnay sa isinagawa ng mga ito na pagprotesta sa P1,000 development fee na kinokolekta ng eskwelahan sa bawat mag-aaral nito.
Kasama ng mga blacklisted na estudyante ang kanilang mga magulang at tagasuporta sa hunger strike laban sa tinagurian nilang campus repression.
Limang araw na pag-hunger strike ang target ng grupo na matatapos lamang sa sandaling payagan ang mga estudyante na makapag-enroll.
Nagsunog din ang mga ito ng effigy ni Pangulong Noynoy Aquino at mga opisyal ng eskwelahan.
The post 35 estudyante ng EARIST nag-hunger strike appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment