Wednesday, June 18, 2014

DTI tutok sa presyo ng pangunahing bilihin

IGINIIT ng MalacaƱang na kumikilos na ang pamahalaan upang matiyak na hindi madadamay ang iba pang bilihin sa pagtaas ng presyo ng bigas, bawang at luya.


Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sa ngayon ay binabantayan na ng Department of Trade and Industry ang presyuhan ng iba pang bilihin tulad na lamang ng karne at iba pang pang-araw-araw na bilihin.


Ayon kay Coloma, ito ay upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante.


Magugunitang naibalitang tumaas na rin ang presyo ng ibang bilihin dahil isinasabay ng mga negosyante ang presyo ng kanilang paninda sa pagtaas ng presyo ng bigas.


Babala ni Coloma, may mga parusa ang batas sa mga mapatutunayang sinasamantala ang nasabing sitwasyon.


The post DTI tutok sa presyo ng pangunahing bilihin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DTI tutok sa presyo ng pangunahing bilihin


No comments:

Post a Comment