Thursday, June 26, 2014

BFAR’s 30-FOOTER “BANGKAY PINOY” MULTI-MISSION

ang inyong lingkod hilda ong ANG BFAR’s 30-footer multi-mission boats ay isa sa maraming ninanais maisakatuparang at pangunahing mithiin ni Atty. Asis G. Perez, National Director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), upang palakasin ang regulatory capacity ng pamahalaan sa paraan ng kanyang resource management and protection.


Ang pagkakaroon ng 70 units ng 30-footer fiberglass reinforced plastic (FRP) multi-mission boats ay matibay na tulong ng kagawaran sa katuparan nang nasabing naisin sa pagpapalakas para makita ng pamahalaan ang mga aktibidad pangkaragatan, tulad ng pagpapatrulya sa mga lugar na sakop ng karagatanng Pilipinas.


Maliban sa pagsubaybay at pagmamatyag, ang mga bangkang naturan ay gagamitin sa madaliang pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.


Ang low profile na disenyo ay maaari ring magamit sa beach sa kahit na alinmang establisado o hindi establisadong beach heads.


Sa kasalukuyan, ang BFAR sa kanyang pagsusumakit na paunlarin ang Bangkang Pinoy Technology ay pangunahing nakatuon sa mga sumusunod na layunin:


1. Upang gamitin ang may 44 na sinanay na mga tauhang teknikal sa mga pagpapatupad ng teknolohiya sa mga mangingisda partikular yung mga nasalantang pamayanan ng malakas na Bagyong Yolanda bilang kanilang kapasidad sa itinatayong mga aktibidad na kapaki-pakinabang sa kanilang muling pagtindig mula sa malagim na sakuna.

2. Kapag nasanay na, ang mga mangingisda ay makikipag-ugnayan sa BFAR technical personnel sa pagtatayo ng 5,000 Bangkang Pinoy na ipamimigay sa mga rehiyon na apektado ng Bagyong Yolanda. Ito ay sa loob lamang ng 100 araw, at kailangang makumpleto bago matapos ang taong 2014.

3. Ang Bangkang Pinoy technology ay isusulong sa buong kapuluan bilang isa sa mga pangunahing teknolohiya na mainam sa larangan ng pangingisda mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng DA-BFAR na magpapatuloy sa kanyang pagsusumakit tungo sa kabuuan at patuloy na pagpapaunlad ng ukol sa pangingisda.


The post BFAR’s 30-FOOTER “BANGKAY PINOY” MULTI-MISSION appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BFAR’s 30-FOOTER “BANGKAY PINOY” MULTI-MISSION


No comments:

Post a Comment