NO wonder kung may nag-iisip ngayon na may inis factor si Jasmine Smith-Curtis sa kapatid na si Anne Curtis base sa naging pahayag nito na kaya hindi napuno ang Araneta Coliseum nang ganapin ang second concert ng kanyang sister entitled ‘AnneKapal’ ay dahil hindi na ito pinanood ng mga nakapanood noon sa unang concert ng aktres.
As in, puwedeng hindi nagustuhan ng mga ito ang unang concert kaya wala na silang ganang panoorin ang ikalawang concert kung saan buwis-buhay ang production number ni Anne na lumipad sa ere with matching pa-sirko-sirko na puwedeng nagawa na niya ito sa isa sa mga anniversary presentation ng It’s Showtime kaya ‘di na bago?
Kung may inis factor man si Jasmine sa kapatid ay puwedeng isipin na nag-ugat ito nang tarayan ng kanyang ate ang syota nitong si Sam Concepcion sa party noon ni Vice Ganda. Puwede ring isipin na naging contributing factor ang bad publicity ng aktres lately kung hindi man naging success ang concert.
Kung ating papansinin, parang may namumuong competition ngayon sa magkapatid specifically sa product endorsement. May balitang may isang endorsement para kay Anne pero ibinigay raw ito kay Jasmine. Kung tuloy ang ganitong takbo ng career ng magkapatid, tiyak si Jasmine ang papalit kay Anne na sinasabing naabot na nito ang kanyang prime.
Well, not a bad substitute at all, at her early age and just new to the industry, Jasmine got the nod from the film critic with her acting prowess in an indie film entitled Transit. Isa pa, matagal bago nakilala si Anne bilang aktres samantala si Jasmine ay baguhan pa lang pero isa na siyang award-winning actress and she have also her list of product endorsements, movies and drama series.
AKTOR, KASUMPA-SUMPA ANG AMOY NG PAA
GUWAPO ang aktor na ito na nagsimulang sumikat noong kanyang bagets days. Tisoy at talagang pormang artista kaya hindi mahirap sa kanya ang magkapangalan. Kaya lang, medyo kumulimlim ang pagiging artista nito nang nagkapamilya at sabay napabayaan ng kanyang manager.
Kung titingnan mo siya, ‘di mo maisip na may kapintasan siya dahil mukha naman siyang mabango at bagong ligo. Kaya lang, nang minsang dumalaw daw ito sa tirahan ng isang sexy star na member noon ng isang sikat na sexy group ay doon nabunyag ang kanyang lihim na sobrang baho raw ang paa nito.
As in, out of this world ang amoy ng paa at talagang kulang na lang na masuka ang mga taong nasa loob ng condo unit. It is a must daw talaga na aalisin ang sapatos sa pagpasok sa unit kaya dapat nag-abide ito kaya lang, sabay nang pag-alis ng sapatos ang pagsambulat ng napakabahong amoy na paa nito. Magkagan’un man, dedma lang daw ‘yun sa sexy star. Hmmmp, gan’un naman talaga, ‘pag mahal ang isang tao, anomang kapintasang mayroon siya, dapat tanggapin.
The post Anne Curtis, may itinatagong insecurity kay Jasmine? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment