Friday, June 20, 2014

Kapulisan, itinalaga sa Sandiganbayan

NAGTALAGA ng sapat na pwersa ng pulisya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa bisinidad ng Sandiganbayan sa Quezon City upang panatalihin ang seguridad sa lugar laban sa mga taong nais manggulo.


Ang itinalagang pulis ay kaugnay sa pagsuko ni Senator Bong Revilla hinggil sa ipinalabas na warrant of arrest ng Sandiganbayan kaugnay sa P10-billion pork barrel fund scam.


Ayon kay NCRPO Chief Police Director Carmelo Valmoria, gusto lamang nilang matiyak ang seguridad sa nasabing lugar partikular na may mga supporters na sasama sa senador sa Sandiganbayan.


Sa kabilang dako, ayon kay PNP PIO C/Supt. Reuben Theodore Sindac, matagal ng handa ang officers quarters ng PNP Custodial Center kung saan ikukulong ang senador.


Una ng tiniyak ng PNP na walang VIP treatment para sa mga senador na makukulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.


The post Kapulisan, itinalaga sa Sandiganbayan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapulisan, itinalaga sa Sandiganbayan


No comments:

Post a Comment