UPANG higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan lalo na ng mga nakatatanda sa lungsod, ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Office of the Vice Mayor ay namamahagi ng libreng gamot sa mga health center sa lungsod.
May titulong “Botika ni Dr. Cadiz”, layunin ng programang makapagbigay ayuda sa mga mahihirap na residente sa pamamagitan ng mga libreng gamot. Layunin din nitong mahimok ang mga residente na magpakonsulta sa mga health center sa kani-kanilang barangay.
Sa kasalukuyan ay natapos nang bisitahin ng “Botika ni Dr. Cadiz” ang Bgy. Sto. Niño, Bgy. Industrial Valley Complex, Bgy. Jesus Dela Pena, at Bgy. Kalumpang.
Sa ika-3 ng Hunyo ay tutungo ang Botika ni Dr. Cadiz sa Bgy. Malanday at Bgy. San Roque, sa ika-5 ng Hunyo ay sa Bgy. Sta. Elena, at sa ika-10 ng Hunyo ay sa Bgy. Tañong at Bgy. Barangka naman.
Ilan sa mga gamot na ipinamimigay ay para sa high blood pressure, sipon, ubo, lagnat, kirot, pananakit ng tiyan, ilang sakit sa balat, antibiotic at vitamins.
May ilang gamot din na ipinamimigay para sa mga bata tulad ng gamot sa ubo, sipon, lagnat at vitamins.
Upang makakuha ng libreng gamot, kinakailangan lamang ipakita ang senior citizen’s ID at kopya ng reseta mula sa doktor ng Barangay Health Center o mula sa City Health Office ng lungsod.
The post Libreng gamot ipapamahagi sa Marikina appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment