Thursday, June 12, 2014

Mag-ama, 1 pa patay sa lunod sa Batangas

PATAY ang isang mag-ama habang missing pa rin ang isa pa nilang kasama makaraang malunod sa isang beach resort sa Calatagan, Batangas sa ulat ng pulisya ngayon.


Kinilala ang mga biktima na sina Ronald Cordero, 45 at anak na si Therese Maria, 17, kapwa ng ParaƱaque City.


Nabatid na dumayo ang mga biktima sa private resort ng kaanak sa Barangay Bagong Silang para mag-swimming pero tinangay ng alon ang mga ito, kasama ang kaibigan ni Therese na si Josea Jizo Pinto at nalunod.


Sinuspinde muna ang operasyon matapos dumilim at lumakas ang alon sa lugar.


The post Mag-ama, 1 pa patay sa lunod sa Batangas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-ama, 1 pa patay sa lunod sa Batangas


No comments:

Post a Comment