UTAS ang isang wanted na lalaki nang pagbabarilin ng mga pulis na aaresto sana sa kanya sa Barangay Daan Banwa, Tapaz Capiz.
Kinilala ang napatay na suspek na si Benzer Barniso, alyas Monoy, ng Daan Sur utas sa pamamaril ng Tapaz-police.
Nabatid na aarestuhin sana ng operatiba ang suspek dahil sa kanyang kasong may kinalaman sa illegal drugs nang sa halip sumuko ay hinagisan niya ng granda ang mga pulis na masuwerteng hindi sumabog.
Nakuha kay Barniso ang dalawang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000.
The post Wanted patay sa aresto sa Capiz appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment