INALMAHAN ng MalacaƱang ang banta ni Sandra Cam na ilalabas niya ang mga sex video ni Justice Sec. Leila de Lima kapag nakumpirma ito ng Commission on Appointments (CA).
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, below the belt ang mga sinasabi ni Cam at labas na sa professional competence na inaasahan mula sa isang government official.
Masyado na raw personal ang mga paratang ni Cam at wala nang kinalaman sa trabaho ni De Lima.
Nauna nang sinabi ni Cam na may apat na sex video siya ni De Lima at ilalabas niya ito kapag tuluyang kinumpirma ng CA ang justice secretary.
The post Banta ni Cam: Sex videos ni De Lima ilalantad appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment