HINDI type ni Barbie Forteza ang bagong look ng leading man niya sa The Half Sisters na si Derrick Monasterio na may bigote at balbas. Natutusok daw kasi Barbie ‘pag binebeso siya.
“Nakaka-pimples raw kasi ‘yung buhok,” sey ng young actor.
Pero nagustuhan ito ng kanyang director na si Mark Reyes at puwedeng magamit sa kanilang serye. Ang change image na ito ay mitsa para mabigyan daw siya ng meaty roles. Experiment lang daw ‘yung bagong hitsura niya. Hating-hati raw ang reaksyon ng mga tao, ‘yung iba, ayaw, ‘yung iba naman ay gusto.
Pero mga two years pa raw siya rarampa sa Cosmo Bachelors Bash. ‘Pag mabibigyan na raw siya ng roles ng GMA gaya nang ginagawa nina Aljur Abrenica at Alden Richards ay run siya totodo ng sexy image.
Hindi ba siya nai-insecure kay Alden na halos ka-batch niya pero Primetime leading man na ito ng mga sikat na artista ng Kapuso network?
“Siguro kung magka-age kami tapos ganito pa rin ako, siguro mag-iisip na ako kung ano ba ang nangyayari,” aniya na apat na taon ang agwat nila.
Samantala, pinabulaanan ni Derrick na may gay benefactor siya. Kaya raw niyang magtrabaho para sa sarili niya. ‘Yung tsismis na regalo ng bading ang sasakyan, buong ningning niyang sinabi na two years to pay ang nasabing Montero.
Love triangle sina Derrick, Barbie Forteza at Andre Paras sa “The Half Sisters” na magsisimula sa June 9 pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
“Ako po rito si Baste. Working student ako rito na katrabaho si Barbie sa isang cafeteria na boss ko si Andre (Paras) rito,” kuwento pa ni Derrick.
Purely friendship lang daw sila ni Barbie. ‘Yun lang daw ang nabuo sa kanila.
“Lagi nilang sinasabi na kami pero hindi naman talaga kami,” deklara niya
Hindi naman niya itinatanggi na attracted siya kay Barbie.
“Oo naman. Maganda kasi siya, magaling umarte, maputi at professional. Ganoon talaga, mga bata pa kami kaya hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay,” sey pa niya.
Ano ang madalas nilang pag-awayan ni Barbie?
“Kapag nali-late ako sa taping namin, nagagalit siya. Pero nagti-text ako sa kanya, nagso-sorry ako,” aniya pa.
Tsuk!
The post Walang insecurity at secure sa kakayahan niya bilang aktor! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment