Thursday, June 5, 2014

Marian Rivera at manager na si Rams David parang magkaibigan lang

KITANG-KITA sa mukha ngayon ng bagong Dance Empress na si Marian Rivera na masayang-masaya siya. Kaya naman kahit araw-araw kung magtrabaho ang Primetime Queen ng GMA 7 ay parang wala itong kapaguran. Kasi nga maliban na sa positive ang outlook nito ngayon sa buhay, maayos at maganda ang relasyon nila ng longtime boyfriend na si Dingdong Dantes, tapos very in demand pa ang career nito at maganda rin ang treatment sa kanya ng Triple A ng tatay-tatayang si Sir Tony Tuviera at manager na si Rams David.


Yes, since magpa-handle si Marian sa bago niyang management ay malaya na nitong nagagawa ang mga matagal ng gustong gawin sa buhay. At isa na riyan ay ang makapag-show siya sa iba’t ibang probinsiya na as we heard, sa rati niyang manager ay nililimitahan lang siyang tumanggap noon ng provincial shows.


In a way, naging mahigpit daw noon sa pamamalakad ng career niya ang tinutukoy nating manager. But with Sir Rams, lahat ng mga suggestion o desisyon ni Marian sa career o sa personal man nitong buhay ay sinasang-ayunan nila lalo pa’t mahal na mahal ni Mr. Tuviera ang aktres na itinuturing niyang anak.


Syempre, gusto naman ni Yanyan na mas mapalapit pa siya sa kanyang mga fans at naibigay nga ito sa kanya ni Sir Rams. Actually, kaya swak silang dalawa ng manager kasi walang pressure sa kanila at kaibigan ang turingan nila sa isa’t isa. Kaya love na love ni Yanyan si Sir Rams kasi kahit gaano man ito ka-busy ay sinasamahan talaga siya nito sa kanyang mga events.


Kaya kita niyo naman, maganda ang naging resulta ng lahat. Lalo pang bumango ang career ngayon ni Ms. Rivera na maliban sa mabenta sa mga product endorsment ay number one priority siya ng Kapuso network.


Yes, after ng teleserye nito with Alden Richards, hayan at isang malaking weekly dance show naman ang ibinigay sa kanya ng kanyang mother studio na malapit na ninyong mapanood sa GMA 7 na ang title ay MARIAN kung saan sa pilot episode ng show nito ay dalawa sa Reyna ng sayawan ang makakasama ni Ms. Rivera at sila ay sina Gov. Vilma Santos at Ms. Maricel Soriano.


Syempre sa mga susunod na episode ay bongga rin ang mga naka-line up na celebrity guest ni Yanyan.


Uy! superstar pala ang dating ng actress sa Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga dahil tuwing dumarating ito sa barangay kasama sina Jose, Wally, at Paolo lahat ng mga residenteng Dabarkads ay tumitigil sa kanilang mga trabaho o ginagawa para masilayan lang ang kagandahan ni Marian na pinagkakaguluhan talaga sa mga relong ipinamimigay at tulong sa kanyang Puhunan ni Marian. Kaya pala super blessed kasi beautiful inside and out gyud!


The post Marian Rivera at manager na si Rams David parang magkaibigan lang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Marian Rivera at manager na si Rams David parang magkaibigan lang


No comments:

Post a Comment