Wednesday, June 4, 2014

TRUTH COMMISSION WILL DELAY PORK PROBE

deep fried GUSTO ni Senador Antonio Trillanes IV na buhayin ang truth commission na matagal nang pinatay ng Korte Suprema.


Para ano pa? Para kay Trillanes na dating militar, mas makabubuti kung magtayo muna ng isang truth commission para imbestigahan ang mga sangkot sa P10 billion pork barrel scam. Hindi pa ba sapat ang imbestigasyon ng Department of Jutice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman?


Maaantala ang paglilitis kay Janet Lim-Napoles, asawa ni Jimmy Napoles na dating major sa Armed Forces, at ng mga matataas na opisyal ng pamahalaang Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno S. Cojuangco Aquino III, kung itutuloy ang pagtatatag ng isang truth commission.


Hihintayin pa ba ng DOJ at ng Ombudsman ang desisyon ng truth commission para masampahan ng kaso sina Napoles at ang kanyang mga tinuturing na kasabwat sa scam na ito? Aksaya ito ng oras at pera.


Nais ni Trillanes na ang truth commission ay hawakan ng mga taga-media o mga reporter at editor, ng mga propesor ng mga pamantasan at ng mga huwes at mga justice.


Natitiyak kong walang papayag na maging miyembro ng truth commission sa mga taga-media. Sapat na para sa kanila ang tungkuling maging mamamahayag, sa broadcast man o sa diyaryo.


At magkano naman ang magiging suweldo ng mga ito, itong mga media, academe at judiciary? Magkaroon din kaya sila ng sarili nilang pork barrel o allowances?


Recommendatory lang daw ang magiging decision ng truth commission at ang talagang mag-iimbestiga ay ang Ombudsman.


“Kailangan nating malaman ang katotohanan sa scam na ito,” wika ni Trillanes.


Mahabang process ito, at magastos pa. Baka lalong hindi na natin maparusahan ang mga may sala.


Ibasura na ang panukala ni Trillanes. At sa Ombudsman naman, at sa Sandiganbayan, bilisan naman ninyo ang paglitis. Inip na ang bayan.


The post TRUTH COMMISSION WILL DELAY PORK PROBE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TRUTH COMMISSION WILL DELAY PORK PROBE


No comments:

Post a Comment