MALAKI ang tiwala ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na magagawa ng Kamara ang lahat ng trabaho pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Hulyo 28.
Kabilang sa inaasahang tatrabahuhin ng Kamara para sa ikalawang regular na sesyon ng 16th Congress ay ang Bangsamoro Basic Law, Charter Change, 2015 National Budget, Anti-Political Dynasty Bill at iba pang mga mahahalagang panukala na nakasalang na sa committee level.
Ayon kay Belmonte, naniniwala siyang magagawa ng mga kongresistang tapusin ang mga panukalang batas na dapat maipasa sa itinakdang deadline na aniya’y maraming beses na nila itong napatunayan.
Sinabi ni Belmonte na kahit inaasahang magiging abala sa Bangsamoro Basic Law ang Mababang Kapulungan matapos ang SONA ay isasabay din ang deliberasyon para rito na nakatakdang isumite ng Malakanyang.
Mayroon naman aniyang hiwalay na komite na hahawak sa BBL gayundin ang hihimay sa 2015 budget na mahalagang trabaho para sa Kongreso.
Dagdag pa ni Speaker, may sapat silang panahon dahil ang target naman na maipasa ang mga ito ay bago matapos ang 2014.
The post Trabaho sa Kamara, raratsadahin pagtapos ng SONA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment