IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) na linisin ang kanilang hanay upang matigil na ang iregularidad na nangyayari sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).
Ang hakbang na ito ng Malakanyang ay bunsod ng napaulat na nakakalabas ang mga mayayamang bilanggo ng NPB para magpagamot sa pribadong hospital.
“Kaya dapat nililinis ang hanay nila para maputol ang irregularities,” ayon kay Press Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr.
Hindi nagustuhan ng Malakanyang ang trato ng mga jailguards sa bilanggong si Ricardo Camata na na-confine sa Metropolitan Hospital dahil umano sa sakit sa baga.
Nagpahayag naman ng labis na pagkabahala si Coloma sa VIP treatment na ibinibigay ng mga jail guards sa mga bilanggo na nasangkot sa illegal na negosyo kahalintulad ng ipinagbabawal na gamot.
Kaya nga aniya kailangan lamang na linisin ng DoJ ang hanay ng BuCor.
Sa ulat, sinibak sa puwesto si New Bilibid Prison (NBP) Chief Fajardo Lansangan at 12 pang jail guards dahil sa kaso ni Camata na maraming naging bisita sa kanyang kuwarto sa Hospital kabilang na si Krista Miller at dalawa pang babae.
Sinasabing hindi man lamang inaalam ng mga jailguards kung sino ang mga bisita nito at hangganan ng oras ng pagdalaw dito.
“Dapat talaga ipatupad ang regulations. Puro against the regulations, eh. Sabi nga ni USEC Francisco Baraan III, nakita na hindi naman authorized, na labas na yata sa visiting (hour), labas na yata sa tagal, tapos hindi man lang nag-security check, ‘yun pa ‘yung Krista,” ang pahayag ni Sec. Coloma sabay sabing “So para bang napakaraming violation so dapat idisiplina, iinsist ang strict enforcement ng regulations.”
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na binibigyan ng VIP treatment ng mga jailguard ang mga mayayamang bilanggo sa NBP tulad ng pagiging maluwag sa trato sa loob ng bilangguan, payagang magpagamot sa pribadong hospital kahit walang court order at iba pa.
The post Malakanyang ipinalilinis ang hanay ng BuCor appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment