Wednesday, June 18, 2014

Tattoo artist, 2 pa timbog sa pagtutulak ng shabu sa Boracay

NASAKOTE ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-6) Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang tattoo artist at dalawang kasama nito dahil sa pagtutulak ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Bgy. Balabag, Boracay.


Ayon sa report, kinilala ang mga suspek na sina Vincent Aldrick Checa, 30, ng Molo, Iloilo; Arvie Abaya, 20, ng Carles, Iloilo at Agustin Jubilag, 21, tattoo artist sa Boracay at residente ng Dingle, Iloilo.


Ayon kay P/Insp Wilfredo Hofelenia, hepe ng PAIDSOTG, nakuha sa poseur-buyer ang isang medium-size na plastic sachet ng shabu at P1,000 marked money.


Nakuha naman kay Checa ang tatlong iba pang sachet ng shabu, isang cellphone na ginagamit sa kanilang illegal drug transactions.


Sinabi pa ni Hofelenia na magkasabwat ang tatlo sa pagtutulak ng shabu sa Boracay.


Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa lock-up cell ng BTAC.


The post Tattoo artist, 2 pa timbog sa pagtutulak ng shabu sa Boracay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tattoo artist, 2 pa timbog sa pagtutulak ng shabu sa Boracay


No comments:

Post a Comment