Tuesday, June 10, 2014

STORM-FREE NA NGAYON ANG BATANES

ang inyong lingkod hilda ong AYON ito kay Sabtang Vice Mayor Marcial Armando A. Alavado at ni kapitan Juan Redondo, Barangay Kaichanarianan, “Sa nagdaang sampung taon, wala nang bagyo na talagang tumama sa amin, ang huling bagyo na tumama sa Batanes ay si Super Bagyong “Odette” noong September 2013, pero bahagyang tinamaan ang lalawigan.”


Ang pagsali ng Batanes sa listahan ng list of world heritage sites ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay nakapende sa paggawa at pangako ng mga pinuno at mga residente na pangalagaan ang mayamang pamanang kultural ng lalawigan. Dagdag pahayag pa ni Sabtang Vice Mayor Alavado.


Paniwala ng mga pinuno sa Batanes na sa tulong ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng natatanging kultura ng kapuluan, makukuha ng lalawigan ang pagpayag ng UNESCO.


Ayon kay Simeon Hostallero, pangulo ng Chavayan Fishermen & Homestay Association, na kakayanin at gugustuhin nila na panatilihin ng pangalagaan ang mga natatangi at sikat na mga bahay na bato na gawa sa apog (limestone), na dinibuho para protektahan laban sa masamang panahon. Pero kakailanganin nila ang tulong ng pamahalaan para panatilihin at palitan ang damong kogon palagi pati na rin ang istrukturang bahay.


Sinabi ni Clemente Ladreza, pangulo ng Nakanmuan Marine Protected Area Association na ang isang dekadang hindi pagkakaranas ng bagyo ang nag bunsod sa pagbabago ng Batanes at ng taong-bayan nito.


Ilan sa kanila ay nagtatayo ng kanilang tirahan at ang mga tirahang ito ay gumagamit ng mahinang klaseng gamit mula sa Luzon, na pagpabago sa hitsura at nahanay sa tinayuan ng mga matitibay na bahay ng mga Ivatan na gawa sa makakapal na apog at bubong na apog na nagtatakip sa luntiang isla, damuhan at mga dalampasigan.


The post STORM-FREE NA NGAYON ANG BATANES appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



STORM-FREE NA NGAYON ANG BATANES


No comments:

Post a Comment