Thursday, June 5, 2014

Spurs sinungkit ang Game 1

PUMABOR sa San Antonio Spurs ang pagkasira ng air condition sa AT&T center kaya naman nakuha nila ang Game 1 ng 2013-14 National Basketball Association, (NBA) Finals kaninang umaga.


Bumira ng 21 puntos at 10 rebounds si Tim Duncan upang payukuin ng Spurs ang two-time defending champions Miami Heat, 110-95 at manguna sa kanilang best-of-seven series.


Nagkaroon ng air conditioning failure sa loob ng basketball court kaya naman halos maluto sa init ang mga nanonood lalo na si four-time MVP LeBron James na hinahabol ang hininga ng lumabas ito sa fourth quarter dahil sa cramps.


Lamang ang Heat ng inilabas ni Fil-Am coach Erik Spoelstra si James na nananakit ang balakang sa fourth period kung saan ay may mahigit pitong minuto pa sa laro.


Ibinalik si James nang maagaw ng Spurs ang lamang subalit nilabas ulit ito matapos isalpak ang layup may 4:09 minuto sa pay off period.


“It was significant,” ani Tim Duncan. “It was definitely a factor. I don’t know what happened with LeBron, but we were all feeling it.”


Nag-ambag si Tony parker ng 19 points habang 16 ang kinamada ni Manu Ginobili para sa Spurs.


Si James naman ang nanguna sa opensa ng heat matapos ilista ang 25 puntos, six boards at tig tatlong assists at steals.


Bumakas din sina Dwyane Wade at Chris Bosh ng tig 19 at 18 pts. ayon sa pagkakasunod.


Samantala, ilalaro pa rin ang Game 2 sa San Antonio at pagkatapos ay lilipad sila sa Miami para sa Game 3.


The post Spurs sinungkit ang Game 1 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Spurs sinungkit ang Game 1


No comments:

Post a Comment