Friday, June 6, 2014

Pagputol ng mga puno sa Baguio City ikinadismaya

DISMAYADO si Baguio Bishop Carlito Cenzon sa pagputol sa mga puno sa Baguio City para bigyang-daan at iba’t ibang proyekto doon dahil malaki umano ang masamang epektong dulot nito sa lungsod na tinaguriang “summer capital of the Philippines.”


Partikular na tinukoy ni Cenzon ang pamumutol ng mga puno sa Mt. Sto. Tomas dahil sa mga ginagawang kalsada para sa itinatayong resort na pag-aari ng kapatid ni Baguio Representative Nicasio Aliping, Jr.


Hinimok din ng Obispo na kumilos ang mga ahensya ng pamahalaan na may pananagutan sa nasabing proyekto tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mahinto ang nasabing proyekto.


Iginiit ni Cenzon na hindi dapat magbulag-bulagan ang DENR sa pinsalang dulot ng proyekto.


Umaapela rin ang Obispo sa publiko partikular sa mga taga-Baguio na makibahagi sa mga inisyatibo ng Simbahan at mga environmental groups na mapigilan ang walang habas na pamumutol ng mga puno.


The post Pagputol ng mga puno sa Baguio City ikinadismaya appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagputol ng mga puno sa Baguio City ikinadismaya


No comments:

Post a Comment